Mga dapat mabago sa atin
Masakit isipin na marami sa atin ang kinakain na ng sistema ng kayabangan, inggitan, at higit sa lahat panlalamang sa kapwa.
Hindi naman sa nilalahat ko opinyon ko lang naman base sa nakikita ko.
♠ KAYABANGAN = isa sa mga ugali na talaga namang hindi na maiaalis ng marami sa atin
= ex. Natututo lang mag english nangmamaliit na ng mga tao na hindi marunong mag english.
Tandaan po natin na maraming dialekto o wika satin dito sa pilipinas. At hindi natin dapat ikahiya ang sariling lenguahe mas lalo nga natin dapat palawingin ang kaalaman sa sariling lenguahe natin.
Matutong magpakumbaba sa lahat ng oras.
Kung marami ka man alam sa buhay mas mabuting ipamahagi o ituro mo sa mga taong gusto matuto.
Nang sa gayon makatulong ka.
♠ INGGIT = Ugali na hindi maiwasan ng karaminhan.
Dahil marami sa atin ang mas pinipili bantayan ang pag angat ng iba kesa sa tulungan ang sarili.
Gawin nating mas prodoktibo ang ating sarili.
Nang sa gayon ay makamtan din natin yung mga bagay na kinaiinggitan natin.
Matutong kumilos huwag umasa swerte dahil ang swerte mo ay nakadepende sa kung paano mo tulungan ang sarili mo.
At higit sa lahat matutong magpasalamat sa kung anong meron ka at makontento.
♠ PANLALAMANG = Ang ugaling mapanlamang ay kahalintulad ng pagnanakaw.
Karamihan saatin mas pinipili manlamang sa halip na maging patas siguro dahil nagmamadali umasenso ngunit tandaan may karma ang lahat.
Bakit hnd natin subukan maging patas sa lahat ng bagay.
Sana po ay mabago natin ang masasamang nakagawian simulan natin magbago hnd lang para sa sarili natin kundi para sa lahat.
'LIFE menual > 인생의기술[자기계발법]' 카테고리의 다른 글
2021년 신축년 새해계획 '행운이 따르는 습관' (0) | 2020.12.31 |
---|---|
[자기계발] "성공하는 방법, 운이 좋아지는 방법은 이미 알고 있지 않나요?" (0) | 2020.08.03 |
[자기계발] "삶의 기술은 성공에서부터만 가져오는 것은 아닙니다." (0) | 2020.07.29 |
[자기계발] "인생이 뜻대로 되지 않을 때 방법을 가장 잘 아는 사람은 누구일까요? (0) | 2020.07.23 |
[자기계발] '착하게 사는 것'이 사실은 '잘 사는 것'이 아닙니다. (0) | 2020.07.09 |
댓글